Mahigit 500 katao ang nagparehistro sa ginanap na Consumer Fun Run ng Department of Trade and Industry Romblon (DTI Romblon) sa bayan ng Odiongan nitong unang araw ng Oktubre.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng Consumer Welfare Month (CWM) celebration ng bansa alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1098 dated September 26, 1997 na nagsasabing ang buong bansa ay dapat ipagdiwang ang Consumer Welfare Month bawat taon.
Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Consumer Rights in the Digital Age”.
Ayon kay DTI Provincial Caretaker Orville F. Mallorca, mayroon pang iba’t ibang programa na bahagi ng pagdiriwang ng CWM maliban pa sa Consumer Fun Run, katulad nalamang ng Consumer Quiz Bee na ginanap na nitong nakaraang Linggo sa bayan ng Corcuera sa Simara Island.
{googleads center}