{googleads center}
Isang truck ang naaksidente pasado alas-8 ngayong gabi sa kahabaan ng National Road sa Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon.
Ayon sa mga residente ng lugar, nakarinig nalang umano sila ng biglang may kumalabog at pag labas nila ay nakita na nila ang truck na nasalpok na ang isang abandonadong tindahan sa lugar.
Sinabi naman ni Alcantara Disaster Risk Reduction and Management Officer Nonong Marcelo, hinihila umano ang naaksidenteng truck ng isa pang truck ng Toji Home Care Construction and Suppy matapos masiraan sa hindi pa alam na dahilan hanggang pagdating umano sa nasabing lugar ay bumangga na sa tindahan ang hinihilang truck.
Wala pang pahayag ang driver ng hinihilang truck kung ano ang nangyari kung bakit ito disgrasya.
Wala namang nasaktan sa nasabing aksidente.