{googleads center}
Isang dolphin na may bigat na halos 15 kilos ang nailigtas ng mga mangingisda sa bayan ng Calatrava, Romblon kaninang umaga matapos itong maligaw sa mababaw na bahagi ng baybayin ng Barangay Poblacion.
Sinuri ang dolphin ng mga mangingisda para tingnan kung may sugod. Aliw na aliw naman ang ilang bata at todo himas sa dolphin habang ito ay sinusuri ng mga mangingisda.
ADVERTISEMENT
Agad namang dinala sa malalim na bahagi ng dagat at pinakawalan ang dolphin matapos makumpirmang wala itong sugat.