Patay ang babaeng isang grade-2 student matapos na malunod sa isang ilog sa Barangay Tuburan, Odiongan, Romblon nitong magtatanghali kanina.
Kinilala ang nalunod na si Lesley Ann Fesalbon, 8 years old.
Kwento ng ina ng biktima, galing umano siyang school para sa event ng isa pa niyang anak ngunit pagbalik niya sa bahay ay nagsumbong ang kapatid ng biktima na nalulunod nga umano ang ate nitong si Lesley Ann.
Nalaman ng ina na naligo pala sa ilog ang anak kasama ang 6-taong gulang na kapatid sa malalim na bahagi ng ilog ngunit hindi na umano nakaahon ang kanyang anak nang mapunta sa malalim na bahagi.
Narekober lang ang katawan ng bata mula sa ilalim ng tubig matapos na maapakan ito ng isa sa mga kapitbahay na naghanap sa bata.
Sibukan pang dalhin ang bata sa Romblon Provincial Hospital ngunit idineklarang itong dead on arrival. Nasa purinarya na ang katawan ng bata.
{googleads center}