{googleads center}
Pahirapan ang mga naubusan ng cash kung saan pwedeng mag-withdraw ng kanilang electronic money nitong weekend dahil offline ang lahat ng automated teller machines (ATMs) ng iba’t ibang bangko sa Odiongan, Romblon.
Offline o di kaya’y under maintanance ang mga ATMs ng Landbank, Philippine National Bank, PNB Savings Bank, at kahit ang ATM ng St. Vincent Ferrer Parish Multipurpose Cooperative.
Ayon sa isang nakausap ng Romblon News Network na empleyado ng Romblon State University, malaking problema ang ganito lalo kung nagkakasabay-sabay na magkaproblema ang lahat ng ATM ng mga bangko.
Wala pa namang paliwanag ang mga bangko kung ano ang dahilan kung bakit offline ang kanilang mga automated teller machines nitong weekend.