Pinangunahan ni Governor Eduardo Firmalo ang pag-aalay ng bulaklak sa historical site ng Battle of the Sibuyan Sea kung saan ginanap ang 12th Commemoration ngayong araw. Kasama ni Governor Firmalo ang mga Officials ng Alcantara at mga Employees, Barangay LGU, RSU employees & Naval Officers, mga representative mula Japan at US, DepEd at ilang NGO's.
Inalala rin ngayong araw ang pagbubuhis ng buhay ng mga sundalong Pinoy, Amerikano, at mga Japanese sa nasabing digmaan na nangyari noong October 24, 1944 sa kalagitnaan ng World War II.
Nagkaroon rin ng flag raising ceremony sa nasabing landmark ng Battle of the Sibuyan Sea sa Alcantara kung saan sabay-sabay na tinaas ang watawat ng Japan, Pilipinas, at Amerika.
Samantala, isang misa rin ang ginanap sa Munisipyo ng Cajidiocan sa isla ng Sibuyan para alalahanin ang 73rd year matapos ang nasabing gyera sa SIbuyan Sea.
Nagsama-sama ang mga alkalde ng tatlong bayan sa Sibuyan para sa isang mass na pinangunahan ni Fr. Toto Fabunan. Dumalo rin sa pagtitipon ang ilang SB Members, Barangay Officials, Mga guro at estudyante ng Romblon State University at Cajidiocan National High School, gayun na rin ang mga tauhan ng PNP, BFP, PCG, at BJMP.
Nagkaroon rin ng twenty one gun salute ang mga pulis ng Cajidiocan Municipal Police Station bilang pagpupugay sa mga nasawi sa panahon ng digmaan.
































