Ang Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Rombon muli ang isa sa bayan na magiging testing centers ng Professional Regulation Commission (PRC) para sa Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT) ngayong September 24, 2017, Sunday.
Ang pagtatalaga ng Odiongan, Romblon bilang isa mga testing centers ay bahagi ng PRC Resolution No. 2012-675 na nagsasabing may kakayahan ang Commission na magtalaga ng bagong testing centers nationwide para sa BLEPT.
Maliban sa Odiongan, Romblon; may mga tinalaga ring testing centers sa iba pang bahagi ng MIMAROPA kagaya ng sa Mamburao, Occidental Mindoro; Calapan City, Oriental Mindoro; Boac, Marinduque; at Puerto Princesa City, Palawan.
{googleads center}