Balik na sa normal na operasyon ngayong araw, September 27, ang biyahe ng mga barko ng Montenegro Shipping Lines patungong Odiongan galing Batangas at pabalik. Ito ay matapos na masangkot sa aksidente sa Calatrava, Romblon ang isa sa kanilang mga barko kahapon.
Ayon sa ticketing ng Montenegro Shipping Lines sa Poctoy Port sa Odiongan, may biyahe na umano ngayong araw ang kanilang barko patungong Batangas at aalis ito ng Odiongan ng alas-5 ng hapon.
Sinabi naman ng Montenegro Shipping Lines Inc. na ang mga barkong M/V Maria Erlinda at M/V Maria Diana muna ang maglalayag patungong Odiongan, Romblon.
{googleads center}