Magsasagawa rin ang ilang grupo ng candle vigil sa bayan ng Odiongan, Romblon sa araw ng bukas, September 21 bilang pag-alala sa mga biktima ng Martial Law at extrajudicial killing (EJK) noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa Facebook post ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, magsisimula ang candle vigil alas-5 ng hapon sa Children’s Paradise Park sa harapan ng Munisipyo ng Odiongan, Romblon.
“Inaanyayahan po namin ang lahat na gustong dumalo.” ayon sa bahagi ng post ng alkalde.
Maliban sa Odiongan, may mga pagtitipon ring gaganapin sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ang ilan pang grupo.
{googleads center}