{googleads center}
Idinaan ng Local Government Unit ng Odiongan sa coastal cleanup ang pagdiriwang ng 117th Philippine Civil Service Anniversary nitong Miyerkules ng umaga, September 27.
Sa maikling programa bago ang clean-up driver, binanggit ni Mayor Trina Alejandra Firmaloc-Fabic ang kahalagahan ng pagkakaroon ng clean-up drive at ang pananatiling malinis ang mga coastal areas ng Odiongan.
Maliban sa LGU-Odiongan, sumama rin sa coastal cleanup ang mga Civil Service personnel, Office of the Governor sa pangunguna ni Governor Eduardo Firmalo, Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., Romblon Provincial Public Safety Company, Department of Education, TESDA, Bureau of Fire Protection Odiongan, at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Maliban sa 117th Philippine Civil Service Anniversary, isinabay rin sa pagdiriwang ang pakikiisa sa International Coastal Clean-up Day.