Isang lalaki ang kritikal ang lagay at isinugod sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa bayan ng Looc, Romblon matapos na mataga ng isang lasing na lalaki sa Barangay Concepcion Sur, Santa Maria, Romblon.
Nangyari ang pananaga bandang alas-5:30 ng hapon kahapon, September 10.
Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, bigla umanong sinaksak ng suspek na kinilala lamang sa pangalang ‘Junior Epi’ ang biktima na si Rudy Florentino.
Matagal na umanong may galit ang suspek sa biktima dahil pinagbibintangan umano ito na nagnakaw ng manok ng biktima na matagal na rin niyang itinanggi.
Nakatakas naman ang suspek at patuloy na hinahanap ng Santa Maria Municipal Police.
{googleads center}