Dumulog sa Odiongan Municipal Police Station ang babeng di umanoy binato ng termos ng kanyang asawa sa kanyang bahay sa Barangay Amatong, Odiongan, Romblon nitong gabi ng Martes, September 19.
Sa kwento ng babae, lasing umano ang kanyang asawa na si Joselito Servañez, 28, ng umuwi sa kanyang bahay. Nilalambing umano nito ang mga anak hanggang sa dumating na mauntog ang bunso niyang anak sa papag ng kanilang hinihigaan matapos na itulak umano ng kanyang asawa ang ulo ng bata.
Nagalit umano ang babae kaya itinulak niya palayo si Servañez ngunit pinatulan umano siya nito.
Nagpang-abot ang dalawa hanggang sa makakita ng termos ang lalaki at ibinato sa babae ngunit nakaiwas umano ang babae at sa pader tumama ang termos ngunit nabasag umano ito at bumuhos sa kanyang likod ang mainit na tubig.
Nagtamo ng paso ang babae sa likod ayon sa Romblon Provincial Hospital kung saan siya nagpa-tingin.
Patuloy namang iniimbestigahan ng Odiongan Municipal Police Station ang kaso ng dalawa.
{googleads center}