Suspendido na ang klase sa Elementary at High School sa bayan ng Alcantara, Romblon ngayong araw dahil sa walang tigil na ulan dala ng Low Pressure Area na nasa bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Lubog naman sa baha ang labas ng Tugdan National High School sa Barangay Tugdan, Alcantara, Romblon dahil parin sa pagbabaha. Ilang estudyante ang maagang pumasok ngunit pinauwi rin kinalaunan.
Umapaw na rin ang tubig sa rampahan ng Tugdan Airport sa parehong barangay.
Lubog naman ang ilang bahay sa Madalag, Gui-ob, at San Roque dahil sa umapaw na San Roque River. Lubig din ang National Road sa Barangay San Roque kaya hindi makadaan ang mga sasakyang papasok at palabas ng Poblacion.
{googleads center}
































