Nalubog sa baha kaninang madaling araw ang buong compound at mga silid aralan ng España National High School dahil sa halos magdamag na ulan sa Sibuyan Island.
Sa mga litratong nakuha ng Romblon News Network, makikita ang ilang silid aralan na napuno ng putik matapos na humupa ang baha sa lugar.
May basketball goal ring itinumba ng malakas na hangin.
Ayon sa mga residente sa lugar, madaming ulan ang ibinuhos sa lugar kagabi at may ilang bahay rin umano ang pinasok ng baha. Ang nasabing pag-uulan ay dulot ng Low Pressure Area na nasa silangang bahagi ng Luzon.
{googleads center}