Malakas ang kutob ng pamilya Dioso ng Barangay Ilaures, bayan ng Bagasong sa Antique na ang naagnas na bangkay na natagpuan sa Looc, Romblon nitong Huwebes, August 31, ay ang nawawala nilang kamag-anak.
Agad umano silang nakipag-ugnayan sa awtoridad matapos na mabasa sa Romblon News Network ang balita kaugnay sa natagpuang bangkay.
Ayon sa pamilya Dioso, August 22 nang mawala si Diego Jauod Dioso matapos tangayin ng baha habang tumatawid sa isang Ilog sa Sitio Madarag ng nasabing barangay at lumipas ang ilang araw ay hindi nasilayan ng mga awtoridad ang katawan ng biktima.
Paniwala ng pamilya, maaring tinangay ng dagat dahil na rin sa hanging habagat ang katawan ni Diego patungo sa Romblon.
Palatandaan umano nila kay Diego ay ang suot na damit nito noong araw ng tangayin ng ilog at ang tattoo umano nito sa katawan.
Nakikipag-ugnayan na ang pamilya Dioso sa Looc Municipal Police Station at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bagasong, Antique at Looc, Romblon para sa pag proseso sa bangkay.
{googleads center}