Dumiretso sa kanal sa National Road ng Barangay Mayha, Odiongan, Romblon ang sasakyan ng tatlong kabataan matapos silang sumimplang nitong gabi ng August 13.
Kinilala ang tatlong sina Jomer Castillo, 18; isang Jusecar Gabay, at isang 17 years old nilang kasama. Residente ang dalawa ng Barangay Limon Norte, Looc habang ang isa ay residente ng Progreso Weste, Odiongan.
Galing umanong Looc ang ang tatlo at patungo sanang Odiongan bandang alas-10 ng gabi kagabi ng mawalan ng kontrol sa minamanehong motorstar Nicess 110 pagdating sa pakurbang bahagi ng National Road sa nasabing barangay.
Pinaghihinalaang nakainum ang tatlo ng mga opisyal ng Barangay Mayha na unang rumisponde sa aksidente.
Dinala ang tatlo sa Romblon Provincial Hospital para gamutin habang ang motorsiklo ay dinala sa Odiongan Municipal Police Station.