Para mas mapaigting ng pulisya ang pagbabantay sa mga residente ng Odiongan at mas lumawak ang connection ng pulisya, binuo ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. ang isang volunteer group.
Ito ay tinawag na Odiongan MPS Volunteers Group na kung saan binubuo ng mga miyembrong tricycle at single drivers, ilang estudyante, barangay kagawad at tanod, miyembro ng Odiongan Transport and Regulatory Unit (OTRU), at ilang miyembro ng Tablas Motorcycle Riders Club.
Isa itong service-oriented community group ng pulisya na magiging force multipliers ng Odiongan Municipal Police Station sa pagpapanatili ng peace and order sa progressive town ng Odiongan.
Tinuruan ang mga bagong miyembro ng mga speakers galing rin sa hanay ng pulisya ng ilang technique sa pagreport sa pulisya, ganun na rin ang ilang basic self defense technique na kailangan ng bawat miyembro.
Nanumpa ang grupo sa harap ng alkalade ng Odiongan na si Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Sa mensahe ng alkalde, ang tapat umano na impormasyon na ibibigay ng mga force multipliers ng Odiongan PNP ay napakahalaga at maraming buhay ang maliligtas dahil rito. Sila kasi umano ang unang sasaklolo at magrereport sa pulis kung may nakita silang aksidente, o ano mang krimen.
{googleads center}