Binawian ng buhay kanina sa Ospital ang isang empleyedo ng Munisipyo ng Odiongan na nasangkot sa aksidente nitong gabi ng August 23.
Ayon sa police report ng Odiongan Municipal Police Station, bandang 7:45 ng gabi ng maaksidente si Eric Garcia, 41-anyos, residente ng Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.
Galing umano sa bayan si Garcia at pauwi na sana ng sumalpok ang minameniho niyang motorsiklo sa isang puno ng mangga na nasa tabi ng kalsada.
Hindi na naabutan ng pulisya si Garcia sa lugar dahil dinala na ito ng mga nagmagandang loob sa ospital para gamutin.
{googleads center}