Binawian ng buhay ngayong hapon, August 14, ang isang rider na nasangkot sa isang vehicular accident kahapon ng hapon sa National Highway sa Sitio Can-uwak, Barangay Ambulong, Magdiwang, Romblon.
Sa report ng Magdiwang Municipal Police Station, sinubukan pa umanong iwasan at magbawas ng bilis ng patakbo ng motorsiklo ang kasalpukan ng nasawing rider ngunit hindi ito umobra.
Tumilapon ang dalawang rider ganun rin ang backride nila kabilang ang 17-anyos na bata.
Nagtamo ang apat ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan kaya agad silang isinugod sa Magdiwang Rural Health Clinic.
Ayon pa sa imbestigasyon ng Magdiwang Municipal Police Station, nasa impluwesnya umano ng alak ang nasawing rider at kasama nito noong nangyari aksidente.
Hindi na pinangalanan ng Romblon News Network ang mga sangkot, alinsunod sa hiling ng pamilya ng nasawi.
{googleads center}