Arestado ang number two most wanted person ng bayan ng Odiongan, Romblon ngayong umaga sa ginawang operasyon ng Odiongan Municipal Police Station sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.
Kinilala ang lalaki na si Roy Fabella Fere-ira, 37-taong gulang, at residente ng Sitio Canlumay, Brgy. Tumingad, Odiongan, Romblon.
Dinakip si Fere-ira sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 82 sa kasong Frustrated Murder noong taong 2014.
Taong 2012 umano ng tagain sa kamay ng suspek ang isang Francisco Eugenio, 49, sa Sitio Sunflower sa parehong Barangay. Nagsimula umano ang alitan ng dalawa dahil pinagbawal ng biktima na kumuha ng ‘tuba’ ang suspek sa mga puno ng niyog na binabantayan ng biktima.
Hawak ngayon ng Odiongan Municipal Police Station ang suspek at nakatakdang iharap sa korte.
May piyansang P200,000 ang kaso ni Fere-ira para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
{googleads center}