Dead on arrival sa Romblon Provincial Hospital ang isang lalaki matapos na sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa concrete barrier na nasa gilid ng kalsada sa Barangay Tumingad sa bayan ng Odiongan.
Kinilala ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., Chief of Police ng Odiongan Municipal Police Station, ang rider na si Olan Jay Faa Doroteo, 24-anyos, residente ng Sitio Tabing Ilog, Barangay Panique ng parehong bayan.
Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan MPS, pauwi na umano si Doroteo sa Barangay Panique bandang alas-12 ng hating gabi kanina ng mawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan at sumalpok sa concrete barrier.
Mabilis umano ang patakbo ng rider at nakainum rin, ayon sa Odiongan MPS.
{googleads center}
Wasak unahang bahagi ng motorsiklo ni Doroteo habang siya ay nagtamo ng head injuries kaya isinugod siya agad sa Romblon Provincial Hospital ngunit idineklara rin siya ng Physician na Dead on Arrival.