Isang lalaki ang sugatan nang masaksak ng isa pang lalaki matapos na magkagulo sa loob ng isang resto bar sa bayan ng Odiongan bandang alas-9 ng gabi nitong August 04.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, nag-iinuman umano ang suspek na si Vicente Fallarna Jr., 25, sa loob ng bar at dahil sa kalasingan bigla umano itong umupo sa lamisa ng resto.
Para hindi na mag-resulta ng gulo dahil lasing na nga ang suspek, pinapauwi na sana ng Manager ng Resto Bar ang ito ng bigla nitong makasagutan ang biktimang si Kenneth Galindez, 27.
Tumahimik na sana ang dalawa ngunit bigla umanong bumunot ng patalim ang suspek at nasaksak nito ng tatlong beses ang biktima sa paa.
Agad na sinugod ang biktima sa Romblon Provincial Hospital at ngayo’y ligtas at nagpapagaling na.
Naaresto naman ng Odiongan Municipal Police Station ang suspek sa ginawa nilang hot pursuit operation ngunit hindi na narekober ng mga pulis ang bladed weapon na ginamit sa pananaksak.
Ayon sa mga kasama ng suspek, mabait naman umano ito ngunit maaring na-impluwensyahan ng alak dahil sa kalasingan.
Nakatakdang kasuhan ng frustrated murder ang suspek.
{googleads center}