Naaresto sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Romblon Provincial Police Office at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Romblon ang dalawang High Value Target ng bayan ng San Agustin, Romblon.
Kinilala ang mga suspek na sina Jayson Manipol, 32-anyos at si Gene Garachico, 46-anyos, dating barangay kagawad ng Barangay Cagboaya ng nasabing bayan.
Ayon sa Romblon Provincial Police Office si Garachico ay No.18 sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga barangay officials na umano’y sangkot sa iligal na droga.
Nabilhan umano ang dalawa ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P500.
Hawak na ang mga suspek ng San Agustin Municipal Police Station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
{googleads center}
Sinubukang kunan ng pahayag ng Romblon News Network ang mga suspek ngunit hindi pinayagan ng San Agustin Municipal Police Station ang media na makausap ang dalawa.