Pinasinayaan na ngayong araw sa bayan ng Santa Maria, Romblon ang isang ‘Multi-Purpose Rooms & Evacuation Center’ sa Barangay Concepcion Sur.
Ang nasabing Multi-Purpose Room & Evacuation Center ay proyekto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – KALAHI-CIDSS.
Pinanguhanan ang seremonya ngayong araw nina Santa Maria Mayor Artemio Madrid at Vice Mayor Lorelie Fabon kasama ang mga KALAHI Staff sa lugar at mga community volunteers.
Makakatulong ang nasabing Multi-Purpose Rooms & Evacuation Center kung sakaling may pa-seminar ang barangay o di kaya’y may mga sakuna na kinakailangan ng lugar na paglilikasan ng mga residente.