Tiklo sa operasyon ng Odiongan Municipal Police Station ang isang lalaking gumagamit umano ng shabu matapos na makunan ng 3 sachet ng shabu sa kanyang pamamahay kaninang hapon.
Ang search opeation ay ikinasa sa bisa ng isang search warrant na nilabas ng Muncipal Circuit Trial Court ng Odiongan, Romblon.
Kinilala ang subject ng operasyon na si Marven ‘Puloy’ Benitez, 34-taong gulang, at native ng Roxas, Oriental Mindoro at naninirahan sa Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.
Ayon sa pulisya, isang caretaker si Puloy ng isang lumang restobar sa lugar.
Maliban sa 3 sachet ng droga na nakasilid sa isang lagayan ng sigarilyo, nakuha rin umano sa suspek ang ilang drug paraphernalia katulad ng foil at lighter.
Si Puloy ay sumuko na umano sa Oplan Tokhang ng Pulisya nitong January.
Itinanggi naman ng suspek ang paratang ng pulisya.
Aniya, hindi umano sakanya ang mga nakuhang shabu at pagsuko niya umano noong January ay tumigil na siya sa pag gamit ng droga.
{googleads center}