Pagkadating ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato De la Peña sa Tablas Island, Romblon ngayong hapon, dumiretso ito sa Villa M sa bayan ng Looc, Romblon upang makipagpulong sa mga may-ari ng Community‐based Enterprises’ (CBEs) o Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).
Kasama ni Secretary De la Peña na humarap sa may mahigit 30 MSMEs at CBEs ay sina Romblon Governor Eduardo Firmalo, DOST MIMAROPA Regional Director Ma. Josefina Abilay, Romblon Provincial Director Marcelina V. Servañez, DOST Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate Change Dr. Renato Solidum Jr., at ilan pang mga opisyal ng DOST MIMAROPA.
Apat sa mga MSME ang ang nagpresent ng kanilang succesfull story sa harap ng mga bisita. Nagpasalamat rin sila sa tulong ng Department of Science and Technology (DOST) sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo.
Ang isa sa kanila, nagsimula umano sa kunting pagbebenta lang ng bagoong sa kanilang sari-sari store, ngayon ay umaabot na umano ng Mindoro at Batangas ang kanyang produkto.
Humiling naman si Governor Firmalo sa Department of Science and Technology (DOST) na tulungan ang Romblon pagdating sa pag-improve pa ng negosyo at produktong may kinalaman sa marmol at niyog.
Ayon naman sa DOST Secretary, kanyang titingnan ang maitutulong ng Departamento ng Agham at Teknolohiya pagdating dito. Susubukan umano nilang maghanap ng entrepreneur na tutulong rito.
{googleads center}