Sugatan ang dalawang rider sa Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon nitong hapon ng Linggo, August 06 matapos na masangkot sa isang vehicular accident.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, nangyari ang aksidente bandang alas-5 ng hapon sa kahabaan ng National Road sa harap ng Tumingad Baptist Church sa nasabing barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Odiongan MPS, nasa magkasalubong na direksyon ang dalawang motorsiklo na minamaneho nina Eden Casimero Feruelo, 57, at ni Jerico Oczon, 18 sa kahabaan ng National Road ng biglang kabigin umano ng isa pang sasakyan ang motorsiklo ni Oczon na naging resulta sa pagsalpok nito kay Feruelo.
Nagtamo ng minor injuries si Feruelo habang si Oczon naman ay isinugod sa Romblon Provincial Hospital matapos magtamo ng iba’t ibang bahagi ng katawan.
{googleads center}
Hindi umano na plakahan o nakilala ng mga witness at ng mga rider ang nasabing motorsiklo na nakasagi kay Oczon.
Paalala ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., ng Odiongan Municipal Police Station, ugaliing maging maingat sa pagmamaneho lalo na sa mga National Roads at ugaliin ring magsuot ng helmet.