Sugatan ang isang 42-anyos na lalaki matapos saksakin ng isang lasing na binata sa Barangay Mayha, Odiongan, Romblon nitong August 27.
Kinilala ng Odiongan Municipal Police Stationa ng biktima na si Wilfred Siscar, 42 anyos; habang ang suspek naman ay si Roden Fabiculana, 21-anyos.
Kasagsagan ng laban nina Floyd Mayweather at Conor Mcgregor ng magsuntukan ang dalawa dahil sa hindi pa alam na dahilan.
Ayon sa mga saksi sa pinangyarihan ng krimen, nag-iinuman umano ang grupo ni Fabiculana ng dumaan ang nakainum rin na si Sicar at dito na sila nagtalo sa hindi pa alam na dahilan.
Nagpaalam si Fabiculana na iihi ngunit pagbalik nito ay may dala na siyang patalim. Nagbuno ang dalawa at nasaksak ng tatlong beses ang biktima, isa sa tiyan at dalawa sa likod.
Agad na isinugod sa Romblon Provincial Hospital ang biktima at binigyan agad ng lunas. Ligtas na ngayon ang biktima at nagpapagaling na.
Dinakip naman ng pulisya ang suspek at narekober rin ang ginamit na patalim. Nakatakdang kasuhan ito ng kasong Frustrated Murder sa piskalya.
{googleads center}