Nasampahan na ng kasong murder ang tatlong suspek sa pagpatay nitong Sabado kay Ray John Fabiculana, 22-anyos.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Edgar Gacula, 31, isang delivery boy; Arjay Gacula, 18, isang estudyante sa Highschool; at si Sandy Severo, 30, isang karpentero.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, sinampahan na ang tatlo ng kaso kahapon, July 31, sa Office of the Provincial Prosecutor (OPP).
{googleads center}
Nag-waived naman ng Article 125 ng Revised Penal Code ang tatlong suspek para dumaan ng preliminary investigation ang kaso.
Nakakulong parin sa Odiongan Municipal Police Station ang tatlo habang inaantay pa ang imbestigasyon ng Office of the Provincial Prosecutor.