Nagsama-sama ang mga tauhan ng Romblon Provincial Public Safety Company, BFp, PCG, mga barangay officials at tanod, OTRU, Tablas Motorcycle Rider’s Clip, mga estudyante ng ESTI at RSU, at mga Religious leaders nitong July 01 ng hapon para sa Walk For Peace na inorganisa ng Odiongan Municipal Police Station.
Ang Walk For Peace ay bahagi ng kick-off ng selebrasyon gn Police Community Relations Month ng Odiongan Municipal Police Station.
May tema ang pagdiriwang ngayong taon na “Promoting and Strengthening Police Community Partnership for a Safe and Progressive Municipality of Odiongan”.
Ayon kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., ng Odiongan Municipal Police Station, ang objective umano ng Walk For Peace ay para pag-isahin ang mga residente ng Odiongan ganun na rin ang iba pang sangay ng gobyerno at NGO para ma-promote ang friendhisp at kapayapaan sa bayan.
Nagpasalamat rin si PSI Fernandez Jr. sa kumindad dahil sa pagsuporta sa mga anti-criminality campaign ng pulisya.