Sugatan at isinugod sa Romblon Provincial Hospital ang isang rider matapos na sumalpok at pumailalim ang minamaneho nitong motorsiklo sa school jeep ng Colegio De Tablas bandang alas-6:30 ng gabi kanina.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, pauwi na galing sa paghatid ng mga estudyante ang school jeep na minamaneho ni Edward Sayas, 51, ng biglang masalpok ng motorsiklo na minamaneho naman ni Kenneth Famisan, 26, pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Barangay Rizal.
Kumain umano ng linya ang motorsiklo ni Famisan kaya nito nasalpok ang school jeep.
Batay sa report ng Odiongan PNP, nakainom umano ang rider ng motorsiklo ng mangyari ang aksidente.
Ayon sa PNP wala umanong plaka ang motorsiklo ni Famisan. Napag-alaman ring walang dalang helmet ang rider at walang lisensya para mag maneho ng sasakyan.
Hawak na ngayon ng pulisya ang mga sasakyan para sa futher verification.