Para mas mapaigting ang pagbabantay ng Odiongan MPS sa buong bayan ng Odiongan, nagtayo sila ng Police Outpost sa labas ng Odiongan Public Market sa Barangay Dapawan.
Ang nasabing proyekto ay nabuo sa pakikipagtulungan ng Odiongan Municipal Police Station sa Municipal Advisory Council at sa Local Government ng Odiongan.
Nitong Lunes, July 17, opisyal ng ginamit ng Odiongan MPS ang nasabing outpost.
Ayon kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., Chief of Police ng Odiongan PNP, laging may bantay na pulis ang nasabing outpost lalo pag umaga para may malapit na pwedeng puntahan ang mga may gustong isumbong sa mga pulisya.
Madali rin makakapag responde ang mga pulis kung sakaling may nakawan o krimen o di kaya'y aksidente malapit sa palengke ng Odiongan.
































