Isang lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station kasama ang Land Transportation Office Romblon matapos na makuhaan ng baril sa isang checkpoint na isinagawa nitong gabi ng July 07 sa bahagi ng National Road sa Barangay Poctoy.
Ayon sa spot report ng Odiongan Municipal Police Station, ang lalaki ay si Mark Aldren Perez, security guard ng Philippine Science High School at residente ng Barangay Batiano, Odiongan, Romblon.
Dagdag sa report, bigla umanong nag u-turn ang rider matapos na makita ang checkpoint ngunit hinabol ng mga tauhan ng Odiongan MPS para tingnan. Dito na nakita na may dalang baril ang suspek. Wala rin itong mapakitang lisensya.
Dinala na sa Odiongan Municipal Police Station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Isa lamang ang nasabing dahilan kung bakit patuloy ang pagbabantay ng kapulisan at LTO sa mga kalsada sa probinsya at para na rin maiwasan ang mga aksident sa kalsada.
Paalala ng LTO at PNP, ugaliin ring mag suot ng helmet tuwing nagmamaneho.