Marami na umanong landslide ang naitala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Calatrava, Romblon sa Salingsing Road sa nasabing bayan dahil sa halos araw-araw na pag-uulan sa probinsya.
Sa kasalukuyan ay nadadaanan pa naman ang kalsada kaya lang makapal ang putik at may ilang mga bato na gumulong sa gilid ng kalsada.
Agad naman nila itong ipinagbigay alam sa pamunuan ng DPWH para agad na matanggal ang mga debris sa kalsada.
Pinag-iingat ng awtoridad ang mga motoristang dadaan sa nasabing kalsada at maging dahan-dahan sa pagmamaneho.