Tiklo sa anti-illegal drugs buy-bust operation ang isang lalaking residente ng Barangay Budiong, Odiongan, Romblon kaninang madaling araw.
Naaresto ng Odiongan Municipal Police Station si Lamberto Bernanrdo Gumboc, 25-taong gulang, matapos na positibo umanong mabilhan ng shabu na nagkakahalaga ng 500 pesos. Nakainum pa umano ng alak ang suspek ng mabilhan ito ng pulisya ng shabu.
Ayon kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., Chief of Police ng Odiongan Municipal Police Station, newly identified drug personality umano ng pulisya ang nasabing suspek.
Nakuha sa suspek ang apat na pirasong heat-sealed sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu nag may street value na P10,000, isang green container, at marked money na P500.
Dinala na ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.