Pormal ng ipinagkaloob ni Provincial Science and Technology Director Lina Servanez ang kitchen incubator para sa Odiongan National High School.
Personal naman itong tinanggap ni Noel Joseph M. Machon, principal ng Odiongan National High School (ONHS) kung saan naging saksi sa turn-over ceremony si Edgar Firmalo, school head ng Odiongan South Central School.
Ayon kay PSTD Servañez, ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng Grants-in-Aid (GIA) program ng Department of Science and Industry (DOST).
Aniya, ito rin ang kauna-unahang kagamitan sa kusina na masusubukan ng mga estudyante at guro sa kanilang pagsasanay o pagtuturo.
Ayuda ito ng DOST sa Department of Education para sa pagpapatupad K-12 program nito upang mapasigla ang entrepreneurship, maihanda ang mga kabataan sa pagnenegosyo at mapaghandaan ang kanilang kinabukasan.
Ang proyekto ay naglalayon rin na matulungan ang mga micro and small enterprises (MSMEs) sa lalawigan gamit ang bagong kagamitan na kitchen incubator.