Nalabug sa mala-gutter deep na baha ang ilang kalsada at bahay sa Barangay Azagra, San Fernando, Romblon matapos na umapaw ang ilog na malapit sa lugar dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan simula nitong madaling araw ng July 23.
Ilang tricycle at motorsiklo ang pinilit na lumusong sa baha para lang makapunta ng bayan.
Bandang alas-9 tumaas ang tubig pero bumaba rin ito bandang alas-10 ng umaga.
Ayon kay Mae Roz, residente sa lugar, malapit na umanong pumasok sa mga bahay sa lugar ang tubig baha. Maliit rin umano ang daluyan ng tubig sa ilog kaya umaapaw ito.
Dahil rin sa pag-uulan nawalan rin ng kuryente ang tatlong bayan sa Sibuyan Island ngayong araw, ito ay ang mga bayan ng San Fernando, Magdiwang, at Cajidiocan.