Patay na ng maabutan ng Looc Municipal Police Station ang isang empleyado ng Munisipyo ng Looc sa kanilang Municipal Park kagabi, July 18.
Kinilala ng Looc Municipal Police Station ang lalaki na si Reynante Marcos Aguirre, 37-years old, staff ng Office of the Municipal Planning and Development Coordinator.
Batay sa police report na nakuha ng Romblon News Network, natagpuan umano si Aguirre na walang buhay, may laslas sa lalamunan at saksak sa likuran at harapan ng kanyang katawan, bandang alas-10 ng gabi.
Ayon kay Police Inspector Loveno Galarosa, Hepe ng Looc MPS, may lead na umano sila kung sino ang maaring suspek at may mga person of interest na rin umano sila.
Hindi nila ito pinapangalanan sa media para hindi na rin umano maapektuhan ang kanilang imbestigasyon.
Maaring away umano sa lupa ang ang dahilan kung bakit pinatay ang biktima.
Malaki umano ang galit ng may gawa sa kanya nito dahil halos matanggal na umano ang ulo ng biktima dahil sa natamong laslas sa leeg.