Patay ang isang 22 anyos na lalaki matapos itong pagsasaksakin ng 3 lalaking lasing sa Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon.
Kinilala ang biktima na si Rey John Fabiculana, 22, isang tricycle driver
Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, ang biktima umano ay nasa isang tindahan ng makaalitan ang mga lasing na suspek na sakay ng motorsiklo.
Umalis umano ang mga suspek at bumalik na hindi naka motorsiklo.
Bigla umano nilang sinaksak si Fabiculana gamit ang isang matalim na bagay at agad na tumakas.
Dead on arrival ang biktima sa Romblon Provincial Hospital matapos magtamo ng saksak sa katawan.
Sugatan naman ang brother in law ni Fabiculana na tumulong sa biktima.
{googleads center}
Kaninang umaga, naaresto ng Odiongan municipal police station ang mga suspek na sina Edgar Gacula, 31; Arjay Gacula, 18; at si Sandy Severo, 30.
Ayon sa mga suspek, uminit umano ang ulo nila matapos makaalitan ang suspek.
Nakainum rin umano sila ng mangyari ang insidente.
Nakakulong na ngayon sila sa Odiongan municipal police station at nakatakdang kasuhan ng murder.