Tumanggap kamailan ng tig-P50,000 ang dalawang asosasyon ng magsasaka sa bayan ng Odiongan mula sa pamahalaang panlalawigan ng Romblon.
Pormal na iniabot nina Governor Eduardo C. Firmalo at Mayor Trina Firmalo-Fabic sa Progreso Este Women’s Association at Magkapatid Association (Tabobo-an) ang tseke sa dalawang grupo.
“Magtatanim sa tig-tatlong ektarya lupain ang bawat asosasyon ng iba’t ibang produktong pang-agrikultura katulad ng saging, kamoteng kahoy, gulay, at iba pang uri ng pananim ang kaakibat na kondisyon sa nasabing financial assistance,” pahayag ng gobernador.
Aniya, walang hinihinging kapalit ang pamahalaan kundi ang kailangan lamang paunlarin ng dalawang asosasyon ang puhunang ipinagkaloob sa kanila upang may mapagkukunan sila ng ikabubuhay sa araw-araw.
“Our municipal community organizer Elena Casidsid helped form the associations and access funding and other resources.”