Naaresto ngayong tanghali sa Baclaran, Paranaque City ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station at Pasay City Police Station 1 ang number 7 most wated person ng Odiongan, Romblon dahil sa kasong rape.
Ayon sa police report ng Odiongan MPS, ang suspek na kinilalang si Federico Fernando ay anim na taong nagtago sa batas.
Si Fernando, 63, ay residente ng Phase 5, Paliparan, Dasmariñas Cavite at isang jeepney driver.
Kinasuhan umano ng rape si Federico Fernando matapos na halayin di umano ang sariling apo noong 2011.
Hawak na ng kapulisan ang suspek at nakatakdang ibiyahe pabalik ng Odiongan.
Nagpapasalamat naman ang Odiongan Municipal Police Station sa Local Government of Odiongan dahil sa buong suporta sa nasabing operasyon.