Matapos ang halos 12-taong pagtatago sa batas, naaresto naa ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station ang number one most wanted person ng bayan ng San Fernando, Sibuyan Island, na si Wildy Rico Regala, 50-years old.
Naaresto si Regala sa joing operation ng San Fernando Municipal Police Station at Angono Municipal Police Station nitong June 21 sa Barangay San Isidro, Angono, Rizal.
Ayon sa pulisya, dito na umano naninirahan ang nasabing suspek matapos umalis ng Sibuyan nitong 2005.
Itinuturong number one most wanted person ang suspek dahil sa kasong murder na isinampa sa kanya noong December 15, 2005.
Biyinahe na pabalik ng Romblon, Romblon ang suspek para iharap sa korte at para narin maikulong sa Romblon Provincial District Jail.
Walang piyansa ang kaso ng suspek.