Nakararanas ng pagkawala ng supply ng tubig ang mga residente ng bayan ng Alcantara ngayong araw dahil umano sa probema.
Ayon sa Office of the Municipal Engineer ng bayan ng Alcantara, nagkaroon umano ng air lock sa isang bahagi ng pipeline kaya tumigil ang daloy ng tubig sa ilang barangay.
Dagdag pa ng opisina, hindi pa nila sigurado kung anong oras nila maayos ang problema dahil mahaba umano ang pipeline na kanilang titingnan.
Paalala ng Office of the Municipal Engineer, mag-impok na muna ng tubig dahil sa mga susunod na oras ay papatayin na nila pansamantala ang iba pang linya para hanapin ang problema.