Nagbigay ng paalala sa mga estudyante ang pamunuan ng Odiongan South Central Elementary School sa kanilang unang araw ng balik eskwela ngayong Lunes.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, iwasan umano ang pambubully sa kapwa estudyante upang maiwasan ang pananakit sa iba.
Dagdag pa nila, magsumbong sa mga guro kung sakaling na-bully at kung sakali namang may kamag-aral na na-bully, tulungan umano at huwag pagtulungan.
Ngayong Lunes, inaasahang aabot sa 1,200 ang mga estudyanteng ang papasok sa isa pinakamalaking elementary sa bayan ng Odiongan, ang Odiongan South Central Elementary School.