Arestado sa bayan ng Odiongan ang isang lalaking di umanoy nagpapataya ng iligal na lotteng sa Sitio Torrel, sa Barangay Dapawan nitong gabi ng Sabado.
Kinilala ng Odiongan Municipal Police Station ang suspek na si Rudy Falible, 27-years old, isa umanong gambling collector at residente ng Sitio Cocoville ng paraheng barangay.
Ayon sa pulisya, dinakip ang suspek matapos na positibong makapag taya ang isang agent ng pulisya sa kanyang pa-lotteng.
Nakuha sa suspek ang P431, marke money na P20, gambling paraphernalia katulad ng PBA Ending Receipt, isang notebook, at isang ball pen.
Dinala na ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station para sa booking procedure at para na rin masampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 na inamyendahan ng Republic Act 9287 o ang pagtatas sa penalty sa mga mahuhuling sangkot sa iligal na number game.