Inanunsyo ni Department of Labor and Employment Provincial Director Carl Villaflor na magsasagawa ang kanilang opisina ng Job Fair sa araw ng July 10 sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Magsisimula ang fair pagpatak ng alas-8 ng umaga sa Romblon State University (RSU) Quadrangle sa nabanggit na bayan.
Ayon kay Villaflor, lahat umano ay ng Romblomanon na walang trabaho ay inaanyayahang pumunta sa fair.
Inaasahang maraming trabaho ang maaring aplayan sa fair mapa-local man o overseas (abroad).
Ang nasabing job fair ay bahagi ng launching activity ng TNKK (Trabaho, Negosyo, Kabuhayan at Konsumerismo) ng DOLE-Romblon dito sa lalawigan.
Sa mga may katanungan, maari umano silang bumisita sa tanggapan ng DOLE sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.