Arestado ang dalawang residente ng Barangay Gui-ob, Alcantara, Romblon sa isang police operation sa Phase 6, Barangay 178, Caloocan City.
Ayon sa report, 3 ang namatay sa nasabing operasyon kasama ang isang Richmond Santos, habang 6 naman ang naaresto kasama sina Jesus Galicha Galay at Mary Ann Madrona.
Sa report ni Dano Tingcungco ng GMA News, sinabing nanlaban umano ang mga suspek kaya napatay sa operasyon ng pulisya.
Paliwanag naman ni Galay ng makapanayam ng media, galing umano silang Romblon dahil namatay umano ang nanay niya.
Paniwala naman ng mga kamag-anak ni Galay sa Alcantara, maaring nadamay lang umano ang dalawa dahil sa kanila umuupa ang namatay na suspek na si Santos.