Magpapalipas muna ng gabi sa Barangay Bonlao sa bayan ng Alcantara ang 10 kataong sakay ng bangka na galing Aroroy, Masbate at patungo sanang Agutaya, Palawan.
Ayon sa driver ng bangka na si Mang Narciso, umalis umano sila ng Masbate magtatanghali kahapon ng umaga ng aabutan umano sila ng malakas na alon sa dagat paglampas ng Sibuyan Island.
Lulan ng bangka ang 10 katao, kabilang ang 4 na lalaki, 3 babae na pawang nasa sapat ng edad at 3 bata.
Ayon kay Mang Narciso, bukas nalang ulit umano sila ng umaga babiyahe patungong Palawan.
Agad din namang pinuntahan ng mga barangay officials ng naturang Barangay Bonlao ang mga manlalayag para sa masusing pag imbistiga kung ano talaga ang pakay nila sa lugar.