Nabasag ang mga salamin ng building ng RRJ at ng Jollibee sa bayan ng Odiongan matapos na mapagtripang batuhin ng bote ng isang lalaking pinaghihinalaang may sakit sa pag-iisip.
Ayon sa kumuha ng litratong nasa itaas, nasa loob umano sila ng Jollibee Odiongan nang biglang may bumato ng bote sa salamin. Pasalamat naman siyang hindi sila tinamaan kasama ang kanyang pamilya.
Agad namang hinanap ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. ang suspek upang dakpin dahil sa mga nagawang pamamato.
{googleads right}
Natagpuan ng mga kapulisan ang suspek na lumalangoy sa dagat na sakop ng Barangay Poctoy at dito na siya agad na hinuli.
Nakakulong na ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station.