Inaresto sa kanyang bahay sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Farnandez Jr. nitong umaga ng Martes ang isang lalaking wanted sa kasong frustrated homicide.
Kinilala ang suspek na si Erwin Selodio, 35-years old.
Ang suspek ayon sa Odiongan Municipal Police Station ay nadakip na rin nitong January sa kaso namang Illegal Possession of Firearms and Ammunition matapos makuhaan ng baril sa kanyang bahay nitong nakaraang taon.
Inaresto si Selodio sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 82.
Nakakulong na si Selodio sa Odiongan Municipal Police Station. Maari siyang makapag piyansa sa halagang P24,000.